Tuesday, April 12, 2011

Sabi ng GF ni Mosley, Manny Pacquiao knockout sa 8th... JINKEE NATAWA LANG


source: abante


Natawa lang si Jinkee Pacquiao sa tinuran ng girlfriend ni Sugar Shane Mosley, na matutulog ang kanyang asawang si Manny Pacquiao sa May 7 fight sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

“(She) makes me laugh,” tanging sambit ni Jinkee sa text message, nang hingan ng reaksyon, kasunod ng lumabas na panayam kay Bella Gonzalez, kasintahan ni Mosley.


(Kaliwa) Si Jinkee Pacquiao, at ang magkasintahang sina Sugar Shane Mosley at Bella Gonzalez.

Ayon kay Gonzalez, kung iniisip daw ni (Manny) Pacquiao na magiging madali ang laban nito sa Mayo, ay nagkakamali ang Pinoy boxer.


“Don’t get me wrong, I don’t think it’s going to be an easy fight, but, I think before the eighth round, Shane will have a knockout,” kumpiyansang paha­yag ni Gonzalez sa fighthype.com.


Pero, kinontra ito ni Jinkee, na bagama’t hindi nagbigay ng prediksyon kung anong round magkakaroon ng knockout - - malinaw ang kanyang mensahe.


“Mas naniniwala ako kay Manny,” wika nito.


Si Mosley ay nagpahayag na rin ng kaparehong prediksyon ng kanyang kasintahan, bagama’t 10-1 underdog siya sa laban kay Pacquiao.


Pero, sa kabila ng pagiging underdog ng makakalaban, puspusan ang paghahandang ginagawa ng Kongresista ng Sarangani.


“Mabuti nang mahirapan sa ensayo, ‘wag sa laban,” pahayag ng 32-anyos at eighth-division world champion.


Magdadalawang linggo na sa Los Angeles si Pacquiao upang doon tapusin ang preparasyon para sa pagdedepensa ng kanyang WBO welterweight crown.


Sa Mayo 2, kasama ang asawang si Jinkee at buong Team Pacquiao ay tutungo na ang Pambansang Kamao sa Las Vegas.

source: abante

No comments:

Post a Comment