Tuesday, April 12, 2011

FETUS PINAGPIYESTAHAN NG DAGA

source: abante


Kalunus-lunos ang sinapit ng isang fetus na isinilid sa isang plastic bag at itinapon sa kalye sa Caloocan City, nang lantakan ito ng mga daga.


Tinatayang nasa 6-buwan ang naturang fetus na initsa lang sa kalye, malapit sa sapa sa 3rd Ave., ng nasabing lungsod.

Ayon sa mga residente, napansin umano ng mga ito na nagkakagulo ang mga daga malapit sa maruming sapa sa kanilang lugar kaya’t kumuha ng flashlight upang makita ang pinagmulan ng ingay at masangsang na amoy.


Nagulantang na lamang ang mga residente nang matukoy na isa palang fetus ang pinagpipiyestahan ng mga daga kaya agad na itinaboy ang mga ito at tumawag sa himpilan ng pulisya at ini-report ang pangyayari.


“Kaawa-awa ‘yung fetus kasi mga anim na daga ang ngumangatngat sa katawan niya kaya dapat sa nagtapon doon ay maparusahan!” ayon sa isang residente.


Nang respondehan ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operative (SOCO), napag-alaman na nakalagay ang fetus sa plastic bag kung saan lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na posibleng biktima ang fetus ng abortion.


Dahil dito, dinala na lamang ang naturang fetus sa Sangandaan Cemetery upang mabigyan ng maayos na libing.

source: abante

No comments:

Post a Comment