Thursday, March 3, 2011

Bb. Pilipinas contestant napilitang magbitiw dahil sa Internet nude photos




Candidate number 7 sa Binibining Pilipinas si Roxanne Cabanero, at isa siya sa 40 kandidata ng Binibining Pilipinas 2011.

Nitong Pebrero, naging usap-usapan sa mga pageant forum sa Internet ang hubad na larawan ng isang babae na nasa mga porn sites.

Sa isang blog, sinasabing ang babae at si Roxanne ay iisa.

"Nang tinignan ko, parang gumuho ang mundo ko dahil hindi ako iyon," ani Roxanne.

Siya pa raw mismo ang nagsumbong sa Binibining Pilipinas Charities Incorporated o BCPI nang lumabas ang iskandalo.

Siya man daw ay sumailalim sa imbestigasyon ng BPCI.

Laking gulat daw ni Roxanne nang sabihin ng isa sa mga abugado ng BPCI na magbitiw na lang siya para hindi na lumaki pa ang kontrobersiya.

"Parang lumalabas na ako iyong suspect when the fact (is)...ako ang biktima dito," aniya.

Para kay Roxanne naman, hindi makatarungan ang naging desisyon ng BPCI.

"Sana naman konsiderasyon na matagal ko ring pinangarap 'to and then it's not easy to go (through) this process. Ang sakit," aniya.

Dahil sa matinding pressure, napilitan na ring magbitiw sa pageant si Roxanne.

Dumulog na siya sa National Bureau of Investigation Computer Crimes Unit para mapaimbestigahan kung sino ang blogger na lumikha ng intriga laban sa kanya.

source: abs cbn

No comments:

Post a Comment