Wednesday, May 4, 2011

Katrina Halili not yet ready to love again


source: gma


NO REGRETS. Tinanong din ng PEP si Katrina kung may regrets ba siya kapag sinasariwa niya ang mga nangyari sa kanya noon.



"Wala po," sagot niya.

"Kasi ako, sabi ko nga sa kaibigan ko, kung papipiliin ako ng Katrina dati at saka ngayon—dati, walang scandal—mas pipiliin ko ang sarili ko ngayon, kasi mas mabuting tao.

"Hindi ko sinabing masama... I mean, bata, e.

"Hindi ako masama, pero wala akong pangarap.

"I mean, kung ano lang meron, meron. Wala, wala. Walang direksiyon.

"Normal naman yun. Lahat tayo ipinanganak dito, wala tayong alam.

"Kailangan natin hanapin kung sino tayo, di ba?" saad niya.

Nakatulong ba ang mga pagbabagong nakikita niya sa kanyang sarili sa kung ano siya ngayon?

"Siguro po, mas focused ako ngayon. Mas gusto ko ang trabaho. Mas gusto kong pagbutihan ang trabaho ko.

"Gusto kong suklian ang mga taong nagtitiwala sa akin, di ba?

"Kasi dati kapag tinanong n'yo ako, wala, okay lang, uuwi na lang ako ng Palawan kung wala akong trabaho.

"Dati kasi, self lang ako. Parang dati, gusto kong mag-boyfriend, gusto ko niyan, gusto ko nito.

"Ngayon, hindi, e. Parang tapos na ako sa sarili ko.

"Ginagawa ko 'to, tinutuloy ko ang buhay ko para sa iba na. Para sa lahat, like yung mga tao.

"Na-realize ko, napabayaan ko ang sarili ko, kawawa naman ang mga taong nagtitiwala sa 'yo. Yung mga kaibigan mo, yung mga fans mo, di ba?

"Parang hinihintay ko pa na, 'Ay, sandali.'

"Kapag tapos ka na sarili mo, hindi mo na iisipin ang sarili mo, ibang tao na."

NOT YET READY. When it comes to relationship naman, ayon kay Katrina, hindi pa siya ready.

"Siguro po, ang masasabi ko, sa lahat po ng nangyari sa akin, yun po ang nabago.

"Kung dati, yung inspiration ko, hinahanap ko sa boyfriend. Ngayon, hindi. Mas gusto kong ayusin ang sarili ko na ako lang.

"Tapos, ang inspiration ko, family ko and friends ko.

"Dati, wala akong masyadong time sa mga friends. Kasi, parang naisip ko, doon lang ang utak ko.

"Ganoon po talaga ako. Dati akong hindi masalita, lalo na noong may nangyari sa akin, mas lalong hindi ako nakikipag-usap."

Two years na raw siyang loveless.

"Na-discover ko nga po sa sarili ko na hindi ko naman po kailangang hanapin sa ibang tao para ma-inspire ako.

"Puwede kong ayusin ang sarili ko na ma-inspire lang sa buhay ko, di ba? Sa trabaho ko, or sa mga taong nagmamahal sa akin."


Sa mga nangyari sa buhay niya, naging mapili na ba siya ngayon sa paghahanap ng boyfriend?

"Hindi po ako naghahanap ng boyfriend," sabi ni Katrina.

"Na-realize ko na hindi ibibigay sa 'yo ang love hangga't hindi ka pa tapos sa sarili mo.

"Like, di ba, may mga mag-boyfriend na palaging nag-aaway? Naghihiwalay, ganyan?

"Kaya tayo sinasaktan, kasi meron tayong kailangang gawin sa buhay natin, di ba?

"Alam mo, pilit ka nang pilit do'n sa lalaki, tapos alam mo yun, sinasaktan ka, kasi nilalayo ka, e.

"Meron kang kailangang gawin, meron kang kailangang ma-realize.

"So, hangga't hindi ka pa tapos, hindi ka pa ready sa buhay mo, sa gagawin mo, hindi pa ibibigay sa 'yo yun.

"Kung ipipilit ko ang sarili ko, masasaktan lang ako," matalinhagang pahayag ng 25-year-old StarStruck alumna.

Feeling niya, hindi pa talaga siya ready na ma-in love ulit?
"Kasi kapag ready ka na, may kakalabit na lang sa 'yo, nandiyan na. Mararamdaman mo naman yun.

"Alam ko ngayon na hindi pa," sagot niya.

This time ba, kung makikipagrelasyon siya, gusto niya na yun na talaga?

"Oo naman po," mabilis na tugon ni Katrina.

"Nag-aaksaya naman ako ng oras kung hindi.

"Tayo nga, huwag daw tayong gagawa ng pang-sarili natin.

"Like ako, magbo-boyfriend ako, bakit? Hindi pa nga ako tapos sa sarili ko, di ba?

"Masasaktan lang ako. Kailangan yung iisipin mo, para sa lahat."

May mga umaaligid naman?

"Wala po...seryoso talaga."

source: gma

No comments:

Post a Comment