Sunday, March 27, 2011

Dolphy at Zsa Zsa, todo-suporta kay Zia Quizon!


source: abante
Dean’s lister si Zia Quizon sa prestigious university na kanyang pinapasukan at walang conflict sa pag-aaral ang desisyon niya na ma­ging active sa showbiz. Si Zia ang 18-year old daughter ni Zsa Zsa Padilla at ni Mang Dolphy, ang Comedy King ng Philippine entertainment industry.

Zia Quizon at hindi Zia Padilla ang screen name na gagamitin ni Zia.

Nagkamali lang ang staff ng ASAP Rocks nang ipakilala siya noon bilang Zia Padilla.



Suportado nina Zsa Zsa at Mang Dolphy ang pagpasok ng kanilang anak sa showbiz. In fact, nakabantay si Zsa Zsa sa unang pictorial ni Zia at typical doting mother siya habang sinasabayan niya ang photographer sa pagkuha ng litrato kay Zia.


Napanood na namin ang mga TV appearance ni Zia at ang pagiging mahiyain niya ang aming unang napansin. Reluctant star pa si Zia dahil hindi pa niya alam na seksi siya sa paningin ng mga tao at malinaw na pruweba ang kanyang solo pictorial.

source: abante

No comments:

Post a Comment