Tuesday, October 2, 2012

Jinkee Pacquiao to run for vice governor of Sarangani Province

source: pep.ph

Marami ang nasorpresa nang sabayan ni Jinkee Pacquiao sa pagsusumite ng Certificate of Candidacy o COC ang asawa niyang si Sarangani Province Representative Manny “Pacman” Pacquiao ngayong araw, ika-2 ng Oktubre.
Tatakbo sa pagka-bise gobernador ng probinsiya ng Sarangani si Jinkee. Magiging running mate ni Jinkee sa pagka-gobernador ang kasalukuyang bise gobernador ng Sarangani Province na si Steve Solon.

 Si Solon ay pamangkin ni Roy Chiongban, ang nakalaban ni Pacquiao para sa pagka-congressman sa Sarangani Province nung 2010.

 Matapos na maging magkalaban dahil sa partidong kinabibilangan, naging magkaalyado sina Solon at Pacquiao.

 Maraming nag-akalang tatakbong muli ang kasalukuyang gobernador ng Sarangani Province na si Governor Miguel “Migs” Dominguez. Pero ayon sa report ng rappler.com, may kinalaman daw si Dominguez sa desisyon ni Jinkee na tumakbo para sa posisyon.

 Sa isang interview kay Dominguez, ipinaliwanag nitong ang pagkandidato ni Jinkee para sa pagka-bise gobernador ay para magsilbing “break an impasse between warring politicians.” Ika-sampu ng umaga ngayong araw lang na ito naging buo ang desisyon ni Jinkee na magsumite ng COC matapos ang konsultasyon kina Manny at Governor Dominguez.

 Hindi raw muna tatakbo sa darating na eleksyon si Dominguez at mareretiro pansamantala mula sa pulitika.

source: pep.ph

No comments:

Post a Comment