Friday, April 1, 2011

Hamon ni Aljur, kinagat ni Jose!

source: abante


Maghaharap na bukas sa Eat Bulaga sina Aljur Abrenica bilang Machete at Jose Manalo bilang ‘Achuwete’!

Last Saturday sa Eat Bulaga, pumunta nga si Aljur at nag-guest sa concert ni Jimmy Santos. Naghubad pa nga ang young actor na talaga namang ikinawindang ng tao sa studio pati na ng televiewers.

Eh, nasa Davao last week si Jose para sa Juan For All, All For Juan ng programa kaya hindi nag-krus ang landas nila!

Hinamon siya ni Aljur na kailangan na nilang magtuos upang magkaalaman na kung sino talaga ang mananaig sa kanila.

Kaya bukas sa Eat Bulaga, abangan ang pagtatagpo nina Machete at Achuwete!

source: abante

No comments:

Post a Comment