Saturday, April 2, 2011

Ai Ai, may mga bagong pasabog!


source: abante


Nagpagawa pa pala ng mga bagong pasabog at pakulo si Ai Ai para sa show niyang Pa-Girl Ang Ina Mo! ngayong gabi sa Zirkoh-Tomas Morato. Pasi­lip na rin niya ito sa mga bagong komedya ng mga gagawin niya sa US Concert Tour sa June.

At bilang paghahanda sa show niya tonight, ki­nomisyon pa ni Ai Ai ang ilang stand up comedians ng Zirkoh na magagaling sa pagsusulat ng comic sketches. Gusto niya kasi na fresh ang ihahandog niyang palabas, kesehodang gumastos siya.


Pati nga damit na isusuot, naglabas din ng datung si Ai Ai at bago matapos ang show, palung-palo ang matutunghayan ng manonood. Ipakikita kaya ni Ai Ai ang flawless at seksing katawan niya?


Teka, dapat n’yong abangan ang gagawing pangha-harass niya sa special guest niyang si Cesar Montano. Makakasama rin nila ang EB Babes at ang baliw na tandem nina Jose Manalo at Wally Bayola.


Para sa tickets, tawag lang sa 708-0499; 376-7287 o mag-text sa 0918-4074172 at 0916-7678553.

source: abante

No comments:

Post a Comment