Tuesday, April 12, 2011

JM, hanga sa tapang ni Lauren!

source: abante


Inamin ni Lauren Young na hirap na hirap siya sa mga eksenang ipinapagawa sa kanya sa teleseryeng Mula sa Puso.



Kuwento ni Lauren, na gumaganap bilang Via, pakiramdam niya ay kakapusin siya ng hininga sa eksena na ipinasok siya sa drum at ihinagis sa dagat.


“Hirap talaga ako roon. Hindi ako masyadong makahinga,” sey ni Lauren.


Pero, dahil ang Mula sa Puso ang biggest break niya, at kailangan niyang bigyan ng justice ang role na Via, na unang ginampanan ni Claudine Barretto, ginawa niya nang paulit-ulit ang eksena.


“Kahit ayokong gawin nang paulit-ulit, ginawa ko na rin. Sa totoo lang, takot talaga ako na bumalik-balik sa drum.

Pero, ginawa ko na rin, dahil alam kong importante ‘yung scene na ‘yon,” sambit pa rin ni Lauren.


Anyway, hangang-hanga naman ang leading man ni Lauren na si JM de Guzman sa tapang niya.


“Wala siyang arte sa katawan. Hindi ko ma-imagine na gagawin niya ‘yon. Hindi siya nagpa-double,” nangingiting sabi ni JM.


Anyway, mas lalo ngang iinit ang mga eksena sa Mula sa Puso ngayong mga darating na araw.

Kaabang-abang ang muling paghaharap nina Magda (Dawn Zulueta) at Selina (Eula Valdez).

source: abante

No comments:

Post a Comment