Monday, April 18, 2011

Kaibigan ni AJ Perez, bumuhos sa kaniyang burol La Sallle, Greenhills


source: bomboradyo


Maraming mga tagahanga at kaibigan ni Anthony Joseph "AJ" Perez ang hindi pa rin makapaniwala sa nangyaring trahedya sa kaniyang buhay matapos maaksidente sa McArthur Highway, Brgy. San Julian, Tarlac.

Sa unang gabi ng burol ni AJ sa La Salle, Greenhills, San Juan maraming mga fans at mga kaibigan ang dumalaw kung saan ang burol ay gagawin sa loob ng dalawang araw o hanggang bukas.

Ayon sa kaniyang ama na si Mang Gerardo, napakasakit para sa pamilya ang nangyaring trahedya sa kanilang buhay ngunit naging matatag pa rin sila dahil sa suporta ng mga taong nagpaabot ng pakikiramay.

Nabatid na kasama ng 18-anyos na aktor sa naaksidente nang manggaling sa isang show sa Dagupan City ang kaniyang ama, driver na si Christopher Bautista, crew members na sina Christina Ferrer, Edwin Patelos at Danny Linunga.

Nangyari umano ang aksidente dahil sa nagmamadali ang driver kaya nag-overtake ito sa isang truck at sumalpok ang kanilang van sa Partas bus na bumabaybay naman sa northbound lane ng highway.

Kabilang sa mga pelikula ni AJ ay ang "Kasal, Kasali, Kasalo" (2006); "Sakal, Sakali, Saklolo" (2007); "BFF" (2009); Babe, I Love You (2010); "Mamarazzi" (2010) at soap opera na "Lobo," "Agua Bendita," "Sabel" at naging guest judge sa "Showtime."

source: bomboradyo

No comments:

Post a Comment