Monday, April 18, 2011

Artist sketch ng suspek sa Pilar Pilapil case, inilabas na


source: bomboradyo


Sisimulan ng ipapakalat ngayon ng Criminal Investigation and Detection Group - National Capital Region (CIDG-NCR) ang composite artist sketch ng suspek sa pag-carjack sa sasakyan at pananaksak na rin sa beteranang aktres na si Pilar Pilapil.

Batay sa sketch, posibleng nasa 35 hanggang 38-anyos ang suspek, maitim, may taas na 5'5" hanggabng 5'7" at malaki ang pangangatawan.

Ipapakalat ang nasabing artist sketch sa lahat ng mga police stations lalo sa lalawigan ng Rizal.

Sinabi ni Col. Joel Napoleon Coronel, ang hepe ng CIDG-NCR at pinuno ng Task Force Pilar, malaki ang pagkakahawig ng sketch sa namukhaang suspek ni Pilapil.

Ayon kay Pilapil, makakatulong ito ng malaki para maresolba ang krimen.

Sakaling maaresto, maari umanong masampahan ng kasong carnapping, serious illegal detention o kidnapping at frustrated murder.

Hindi naman namukhaan ni Pilapil ang isa pang suspek bagama't umaasa ang mga otoridad na makapagbibigay ng impormasyon ang kasama ni Pilapil.

source: bomboradyo

No comments:

Post a Comment