Monday, April 18, 2011

Pagbuhos ng mga pasahero sa bus terminal, posibleng dumoble pa bukas

source: bomboradyo


Dahil sa patuloy na pagdami ng mga pasahero sa mga bus terminal na umuwi sa probinsiya ngayong Semana Santa, nagdagdag ng tauhan ang PNP bilang bahagi umano ng pagtalaga ng marshalls na siyang mag-iinspeksiyon sa mga bus.

Ayon kay PNP spokesman S/Supt. Agrimero Jr., bukas inaasahan ang pagbuhos ng mga pasahero sa mga bus terminals sa Metro Manila kung kaya't payo nito sa mga uuwi na bumiyahe ng maaga upang maiwasan ang siksikan.

Maging ang Department of Transportation and Communications (DOTC) ay nakatutok sa pangunahing problema ng mga pasahero kung kaya't naglagay ng help desk assitance center ang tanggapan upang malapitan ng mga pasahero.

Inumpisahan na rin ng PNP-Highway Patrol Group ang pag-inspeksiyon sa mga bus terminal sa Quezon City habang nag-ikot naman si National Capital Region Police Office
(NCRPO) Director Nicanor Bartolome sa ilang vital installations maging sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

source: bomboradyo

No comments:

Post a Comment