Thursday, March 3, 2011

Kim Chiu, kinikilig kay Derek Ramsay



Pagkatapos magsama sa pelikulang I Love You Goodbye ng Star Cinema, magsasamang muli sina Kim Chiu at Derek Ramsay sa isang project via ‘Your Song’.



“More than a year na ata ‘yung last project namin together kaya masaya po ako na makatrabaho po ulit si Derek,” say ni Kim na kinikilig-kilig pa.


Kunsabagay, kahit sino namang babae sa ngayon ay talagang kikiligin sa dyowa ni Angelica Panganiban.


Ngayong Linggo, tampok sa ‘Your Song’ ang isang kwento ng pag-ibig na magpapatunay na kahit pa kamatayan ay hindi maaaring humadlang sa wagas na pagmamahal.


Gagampanan ni Derek ang isang ambulance driver na mahuhulog ang loob kay Ysa (Kim) na may cancer. Paano kaya haharapin ng dalawang nagmamahalan ang hamon ng buhay? Saan hahantong ang kanilang relasyon?


Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o http://teamkapamilya.multiply.com at sundan ang abscbndotcom sa Twitter.
source:

No comments:

Post a Comment