Friday, March 4, 2011

Erich at Enchong, bida sa Pinoy version ng “Maria del Barrio”



Mas lalong nagniningning ang bituin ni Enchong Dee.


Sabay sa kanyang endorsement launch ay inanunsyo na rin ni Enchong na napili siyang maging leading man sa inaabangang adaptation ng ABS-CBN ng 1995 hit Mexican telenobela na “Maria del Barrio.”

Makakatambal niya sa soap opera si Erich Gonzales.

"Iyong binigay sa 'min na script at role napakabigat kasi franchise siya sa Mexico... Noong sinearch ko siya, one of the best na ginawa sa Mexico. I'm very privileged na maging parte ng 'Maria la del Barrio,'" ani Enchong.

Huling itinampok si Enchong sa “Magkaribal."

Gaganap naman sa bagong telenovela si Enchong bilang heredero na napaibig ng isang mag-uuling, si Maria la del Barrio.

Samantala, sa kabila ng pakiusap ni Enchong na huwag nang banggitin ng media kung sino ang babaeng inuugnay sa kanya, lumutang pa rin ang pangalan ni Kim Chiu.

"Malapit lang po kami ni Kim, lumalabas kami minsan pero as friends," depensa ni Enchong.

Sinalag din ni Enchong ang punang nakakalalake daw ang De La Salle star basketball player na si Simon Atkins sa kontrobersyal nitong pahayag na gusto niyang maka-date si Kim.

"No problem naman... Siguro kung more than friends iyong relationship namin ni Kim," ani Enchong.

Tamang tiempo lang ang inaantay ni Enchong para sa seryosong relasyon.

Sa ngayon, focused muna raw siya sa kanyang career.
source: abs-cbnnews

No comments:

Post a Comment