Saturday, April 9, 2011

Vic Sotto, fan ng Bea-John Lloyd loveteam! Bea, mahusay sa tulo-laway!




Muli ngang pinasok ni Vic Sotto ang compound ng ABS-CBN matapos umalis ng Eat Bulaga noon. Ayon kay Vic sa presscon ng movie nila ni Bea Alonzo na Pak! Pak! My Doctor Kwak… “I’m back and I’ll be back for more!”
Inamin ni Bossing Vic na fan siya ng Bea Alonzo-John Lloyd Cruz loveteam. Kaya naman honor sa kanyang makapareha ang dalaga.

“Magaling si Bea. Hindi mo kailangang problemahin kung saang sitwasyon mo siya paaartehin. Magaling siyang artista, so hindi kami nagdalawang-isip na isabak siya sa comedy. If you noticed, parang ibang Bea Alonzo ang mapapanood ninyo dito dahil dito ko lang nakita si Bea na tumutulo ang laway!


“Pero doon mo makikita ang galing! Dahil kumbaga sa luha, on cue! On cue ‘yung tulo ng laway! Hindi effects ‘yon. Natural ‘yon! Ganoon kagaling na artista si Bea. She knows how to react sa situation. Lalo na sa ginagawa namin ni Direk Tony (Reyes). It’s more of situational comedy, so ‘yung reaction is very important! Para mas effective ‘yung eksena. Hindi kami namroblema kay Bea! I felt very comfortable right away!” pahayag ni Vic sa bagong leading lady.


Kasama rin sa movie si Pokwang na minsang nakasagutan ni Joey de Leon na may special role sa movie. Aware si Vic sa nangyari sa komedyana at sa kanyang kumpare kaya nu’ng first shooting day na may eksena sila ni Pokwang, asiwa rin siya sa paghaharap nila.


“Nu’ng first time na­ming magkita ni Pokwang sa set, hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya dahil alam ko, kaaway niya ang kumpare ko! Ha! Ha! Ha!


“Hindi ko naman maintindihan kung ano ang pinag-aawayan nila! Tinawag lang na aswang eh, ano’ng masama nu’n eh mukha ka namang aswang talaga! Ha! Ha! Ha!” biro ni Vic kay Pokwang na present din sa presscon.


“Ano ka, Bea Alonzo? Baka ‘pag ito ang tinawag kong aswang, baka magalit pa sa akin ito? Siyempre, ikaw, ano?” natatawang biro pa rin ni Bossing kay Pokwang.


“But seriously, ‘yung first time ko, nasa isip ko, ‘Ano ang sasabihin ko kay Pokwang?’ I don’t know if I’ve met her before. Nagkita na ba tayo? (tanong niya kay Pokwang na sinagot naman nito na hindi pa). Mabuti naman! Ha! Ha! Ha! Heto na, laglagan na, huh! Ha! Ha! Ha!


“So parang I was kinda uneasy nu’ng papunta ako sa set. Pagbaba ko ng sasakyan, alam ko, nandoon siya. Kunwari dedma lang ako ‘pag binati niya. ‘Ano kumusta?’ Pero nakikita ko na siya. Heto na ang eksena. Nang magkita kami, ‘O?’ Nag-o-han lang kami. Tapos, nakita ko, medyo namula ang mga mata niya. Lumabas ‘yung pangil! Eh, aswang pala talaga! Ha! Ha! Ha!


“Tapos, nagyakap kami. Wala akong nasabi. Siya rin walang nasabi. ‘Yung tarantadong photographer, kuha nang kuha! It was a very heartwarming moment dahil wala kaming usapan. Walang kibuan, eh.

Wala na kaming mai­dayalog. Parang ayos na at ganoon lang ang eksena,” kuwento pa ni Vic.


Ano ang masasabi niya sa performance ni Pokwang?


“Magaling, eh. Hindi naman magiging Pokwang ‘yan kung walang talent. She’s very talented and one thing nice about her, on and off camera, ‘yung level niya, hindi nagbabago! Kahit na anong oras, kahit alas-kuwatro ng umaga. Kahit low-batt na kami.


“Saka mabait na tao. She’s a very good person. Sa mga kuwentuhan namin ng mga pananaw sa buhay, marami kaming nadiskubre kay Pokwang. ‘Yung pagmamahal niya sa kapwa kaya lalong tumaas ang pagtingin ko sa kanya. Ikaw na!” saad pa rin ni Bossing.

source: abante

No comments:

Post a Comment