source: abante
Nanggaling sa sasakyang pedicab na pinapadyak ang pangalan ng radio jockey na si Papa Jack. Pero, bago sumikat ang pangalan niya sa gabi-gabing pagbibigay ng solusyon sa problema ng listeners, naging call center agent muna siya.
Lumaki si Papa Jack sa Alcala, Pangasinan at nagtuturo siya sa Polytechnic University of the Philippines kung saan siya nag-graduate.
Anyway, ang kakaibang konsepto ng programa at pagsagot sa tanong ng listeners ang naging daan upang sumikat siya sa radio at masa.
“Base kasi sa opinion ko ang mga sagot ko. Saka ang konsepto ng tama o mali lang ang tugon ko sa caller ko.
Kung ayaw mo ang opinion ko, huwag kang tumawag. Hindi ko ipipilit ‘yung sa ‘kin,” sey ni ni Papa Jack o John Gemperle sa tunay na buhay.
Agree ba siya sa sinasabing ‘yung boses niya ay hindi bagay sa mukha niya?
“Opo! Mukha po akong baklang lasing sa radio!” diretsong sagot ng co-host ni Ali Sotto sa Starbox.
Teka, bakit parang sanay na sanay siya sa gay lingo?
“Dalawa kasi ang kapatid kong bading. One younger and one older. Close ako sa kanila and I always make effort na mag-I love you sa kanila. Kaya may alam ako sa lingo nila,” sambit niya.
Eh, hindi ba siya bading?
“Napag-iisipan po minsan! Ha! Ha! Ha!”
Pero malakas ang appeal niya sa bading. May nanligaw na ba sa kanyang bading?
“Hindi ko alam kung panliligaw ba ‘yon. Whenever I’m working with gay people, hindi ako aloof,” katwiran niya.
Nakatanggap na ba siya ng indecent proposal?
“Palabiro kasi ako. Hindi ko alam kung proposal na ‘yon. Minsan, may nagpadala ng plane ticket.
Minsan sa Singapore and for two. Hindi ko ginamit. I forgot the name. Hindi ko kinuha ang ticket. Lalaki siya at owner ng travel agency. Sabi ko tatawagan ko siya pag kailangan ko na! Ha! Ha! Ha!” kuwento ni Papa Jack.
Pagdating naman sa babaeng nagkakagusto kay Papa Jack, sorry na lang dahil bukod sa committed na siya ay suplado pa siya sa personal. Anyway, sa April 4 na magsisimula ang paglantad ni Papa Jack sa morning show ng GMA na Starbox!
source: abante
No comments:
Post a Comment