source: gmanews
Pinayuhan ni Bise Presidente Jejomar Binay ang mga domestic helper (DH) — ang mga nagsampa ng kaso laban sa kanilang mga employer at ganun din sa mga nagbabalak pa lang — na iurong na lang ang mga ito kung ito ay mahina at walang kasiguruhang manalo.
Sa kanyang pagbisita noong nakaraang Lunes sa may halos 100 mga OFWs sa Filipino Workers Resource Center sa loob ng konsulado kung saan sila kasalukuyang nakatira, marami ang nagpahayag ng kanilang mga problema sa kanilang mga amo.
Isa rito ang isang domestic helper na may walong buwan nang hindi nabayaran ng sahod at tatlong buwan nang naghihintay na walang kasiguruhan kung makukuha pa niya ito.
“Kung may hinahabol na sweldo… at kung iisip-isipin mong maghintay, magkakahablahan kayo at di ka makakasiguro kung mananalo ka. Mas maigi na i-waive mo nalang iyon para maka-uwi ka na," pahayag ni Binay sa kanila.
Ayon kay Binay, mahirap daw ang maghintay na walang kasiguruhan. Kung manalo man daw at wala ring perang involved ay masasayang lang ang kanyang paghihintay, dagdag niya.
Sapat na raw ang isang buwan na paghihintay kung may maaasahan pang sweldo sa employer, sabi ni Binay.
Agad namang inutusan ni Binay ang mga tauhan ng Philippine Overseas and Labor Office o Overseas Workers Welfare Administration na siguruhin na maalalayan at mabigyan ng sapat na tulong ang bawat isa para makauwi na agad ng Pilipinas.
Bukod dito, iba’t ibang problema ng mga naroroon na karamihan ay domestic helper ang ipinarating nila kay Binay. Problemang pangkalusugan at kakulangan ng pera para makabili ng ticket pauwi ay ilan lamang sa mga nasabi nila kay sa bise presidente.
Pinangakuhan naman ni Binay na bigyan sila ng ticket pauwi ng Pilipinas.
Ang ilang uuwi rin sa Pilipinas ay iyong may sakit. Sa pagkukuwento ng isang may sakit kay Binay, natatakot siya sa kanyang nararamdaman kaya mabuti nalang dawn a umuwi siya.
Sinabi ni Philippine Labor Attache Vicente Cabe na kusang inihatid ng employer ang nasabing may sakit at hinihintay na lang nila na siya ay mabigyan ng exit visa para makauwi na.
source: gmanews
No comments:
Post a Comment