source: gmanews.tv
Sa pagbabalik ni JC Tiuseco sa kanyang latest show ay kakaiba ang kanyang magiging character from those he has played before.
Muling nagbabalik si JC Tiuseco sa telebisyon, this time bilang leading man sa upcoming afternoon drama ng GMA, ang Sisid. Ano ang kanyang pakiramdam na balik leading man siya for this upcoming project?
“Of course, I’m happy that I was given an opportunity for this. This is my fourth soap since I started, with Jackie Rice also, and Dominic Roco, and Ian Batherson," he said.
Is this going to be the same as the roles na kanyang binigyang-buhay before sa kanyang mga roles?
“This is different actually kasi yung role ko is a maninisid, a local kid from an island, so ibang hair color, tapos gusto nila akong mag-tan. Well, itim, hindi tan, gusto nilang mangitim ako," kuwento niya.
“Medyo naging dark na talaga ako kasi nagda-diving lessons kami, tapos gusto pa nila more. Sabi ko, iitim naman ako eventually na habang nagsho-shoot, kasi under the sun naman yung pagda-dive," patuloy ni JC.
Mayroon na ba siyang previous experience sa diving before dumating ang Sisid?
“Intro dive lang yung ginawa ko before, for a shoot din, pero this time kasi, hindi namin masyadong ginagamit yung mga regulator, at saka wala akong diving equipment when I go under the sea kasi maninisid nga ako. Kailangan andun yung wala akong respirators na ginagamit," dagdag ng Kapuso hunk.
Samantala, hindi naman ba siya nainip dahil medyo natagalan bago natuloy ang show na ito?
“Ako, hindi naman ako nainip na na-delay yung show, yung pag-shoot namin, kasi it’s a plus for me kasi nakapag-prepare ako ng maayos, nakapag-diet ako, nakapag-workshops pa ako ng mas marami, so feeling ko mas prepared ako ngayon.
“Tapos with the help of our director, si Direk Ricky [Davao], binibigyan niya kami ng pointers kapag nagsi-script reading kami," ayon sa Kapuso hunk.
Ito ang first time ni JC na makakatrabaho si Direk Ricky bilang isang direktor and as an actor as well. Kamusta naman ang experience na ito for him?
“Before meeting him, kinakabahan ako kasi hindi ko siya kilala, wala akong idea how he is, tapos lahat kaming mga actors and actresses medyo kabado. Pero nung nagte-taping kami, kinakausap niya kami, binibigyan niya kami ng tips," pag-amin ni JC.
“Ang galing, kasi hindi talaga siya selfish na lahat ng alam niya as an actor, tinuturo niya sa’min. Binibigyan niya kami ng mga pointers how we can deliver our lines better, ang galing," ayon pa sa aktor.
Abangan si JC sa Sisid ngayong May dito lamang sa GMA.
source: gmanews.tv
No comments:
Post a Comment