Saturday, April 9, 2011

SUPER SUPER BUG AATAKE!

source: abante


Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na panatilihin ang malinis na pangangatawan at kapaligiran kasunod ng banta ng bagong bacteria na tinatawag na “super super bug” na hindi umano tinatablan ng anumang uri ng antibiotic.

Kasabay nito ay itinaas na ng ahensya ang kanilang alert status upang masiguro na hindi makakapasok ang nasabing bacteria na kilala rin sa tawag na NDM-1 na unang natuklasan ng mga eksperto sa New Delhi, India sa isinagawa nitong pagsusuri sa tubig.


Ayon kay Dr. Eric Tayag, director ng DOH-­National Epidemiology Center (NEC), dahil hindi tinatablan ng antibiotic ang super super bug ay mahihirapan na puksain ito kung makukuha ng isang tao.
Kung makukuha umano ng isang indibidwal ay maaari itong magdulot ng sakit tulad ng disinterya at cholera.


Tiniyak naman ni Tayag na sa ngayon ay wala pang naitatalang kaso ng sakit sa Pilipinas, ngunit aminado din si Tayag na hindi malayong makapasok din ito sa Pilipinas dahil sa pagbibiyahe ng maraming tao.


“Minomonitor natin, wala pa sa ating bansa, subalit it’s just a matter of time, sapagkat dahil sa travel ay maaring makalipat ito sa iba’t ibang bahagi ng mundo,” ayon pa kay Tayag.

source: abante

No comments:

Post a Comment