source: gmanews
MANILA – Pinarangalan ng United Nation (UN) ang “Sagip Ilog" program ng Villar Foundation na nakatuon sa pangangalaga ng kapaligiran, partikular ang rehabilitasyon ng ilog at nagkakaloob ng kabuhayan sa mga mamamayan.
Dinaig ng “Sagip Ilog" ang iba pang programa mula sa 38 bansa para tanggapin ng Villar foundation – na pinangunguhan nina Sen Manny Villar at maybahay nitong si Cynthia (dating kongresista ng Las Pinas) – ang pretihiyosong “Best Practices Award" ng UN.
Tinanggap ng mag-asawang Villar ang parangal sa kategoryang, ‘Best Water Management Practices,’ sa Zaragosa, Spain nitong Martes kasabay ng selebrasyon ng World Water Day.
Ang pagkakaloob ng parangal ay bahagi ng pandaigdigang layunin ng UN tungkol sa pangangalaga sa pinagkukunan ng tubig sa mundo. Ngayon taon ay nakasentro ang pagkilala sa urban water management na siyang pangunahing misyon ng "Sagip Ilog" program.
Hindi ito ang unang pagkakataon na tumanggap ng parangal ang programa ng Villar foundation. Noong 2006, kinilala ang “Sagip Ilog" bilang “Best Practice Award for its Outstanding Contribution Towards Improving the Living Environment," ng UN Humans Settlement Programme sa Dubai International Award.
Tumanggap din ng iba pang international awards ang Sagip Ilog tulad ng “AOIKOS International Award for Social Enterprise from River Rehabilitation," at “International Green Apple Award for Environmental Best Practice" mula sa Green Organisation.
Ayon kay Gng Villar, nakapaloob sa program ng rehabilitasyon ng ilog ang pagkakaloob ng kabuhayan sa mga mamamayan upang makiisa sa pangangalaga sa kapaligiran.
“Sagip-Ilog is more than just a river rehabilitation program, it is an integrated system accompanied with several livelihood projects. Through years of involvement in community-building and the propagation of environmental projects, one major learning is that for the programs to be sustainable and successful, it should engage residents of the community and the best way to get them involved is to allow them to earn livelihood from their efforts," paliwanag ni Gng Villar.
Siyam na taon umano ang ibinuhos na panahon para sa programa para linisin at buhayin ang Las Piñas-Zapote River at lutasin ang lumalalang problema ng pagbaha bunga ng mga naipong basura at water lily na bumabara sa daluyan ng ilog.
Kasabay na ipinatupad sa programang pangangalaga sa kapaligiran ang tamang pagtatapon ng basura at livelihood project tulad ng paglikha ng mga produkto mula sa recyclable waste, partikular ang water lily at kawayan na puwedeng gawing handicrafts.
“This award is a testament to the foundation's commitment not just to protect the environment, especially rivers and waterways but at the same time provide livelihood to hundreds of poor Filipinos," pahayag ni Sen Villar.
source: gmanews
Thursday, March 24, 2011
‘Sagip Ilog’ program ng Pilipinas, pinarangalan ng UN
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment