source: gmanews
MANILA – Tutol si Senate Minority Floor Leader Sen Alan Peter Cayetano na pagbawalan ang media at mga senador na magsalita tungkol sa gagawing paglilitis ng Senado – bilang Impeachment Court – kaso ni Ombudsman Merceditas Gutierrez.
Ang pahayag ay ginawa ni Cayetano nitong Martes kasunod ng mungkahi ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na isama sa Impeachment Rules ang pagbabawal sa lahat ng senator-judge na magbibigay ng komento tungkol sa kaso.
Ipinaliwanag ni Sotto na nais niyang maitaguyod ang impartiality ng bawat senador dahil nakalilikha ng maling pananaw sa isipan ng publiko kung nagkakaroon ng pagkiling ang senador sa kaso Gutierrez.
Ngunit iginiit ni Cayetano na karapatan ng mamamayan na malaman ang nangyayari, mangyayari at puwedeng mangyari sa impeachment trial kay Gutierrez.
“Hindi ako pabor sa kahit anomang gag order o kaya sa prohibition ng coverage o kaya ang pagbabawal sa pag-interview kasi 'yun ang trabaho ng media at ang tao ay dapat ma-inform. Nakakatulong ang media at ‘di nakasasama sa impeachment process dahil kung walang media coverage ay nasa mga senador lang ang paghuhusga, paliwanag ng lider ng minorya sa Senado.
Kung may media coverage, sinabi ni Cayetano na magkakaroon ng sariling pananaw ang publiko sa usapin at makapagbibigay ng sariling desisyon ang mga Pilipino sa kaso sa halip na sumandal sa magiging desisyon ng mga senador.
Bukod sa Senate President lamang at hindi kasama sa chief justice ng Supreme Court na mamumuno sa impeachment court, ang pagkakaroon ng gag order ang magiging pagbabago sa Rules ng impeachment.
Kailangan din umanong magkaroon ng gag order sa mga magiging saksi na ipatatawag ng Senado bukod sa paggamit sa nakaraang alituntunin sa impeachment trial kina dating pangulong Elpidio Quirino at Joseph Estrada.
“Lalo na (witness). Everyone directly involves in the trial, there will be a rule that is among the new rules o isa sa rule na bago dun sa ire-readopt na rules from the Quirino impeachment and the Erap impeachment, of course Quirino impeachment did not push through but they prepared," paliwanag ng senador.
Idinagdag ni Sotto na hindi naging maganda ang mensahe sa impeachment trial noong panahon ni Estrada kung saan nagpapaunlak ng panayam ang mga sangkot sa paglilitis.
“Sometimes meron mga hindi dapat na pag-usapan ay napag-uusapan tuloy eh marami tayong mga kababayan na nanunuod na interesado sila sa mga nangayayari, nagkakaroon ng ibang pananaw at mentality and we want to avoid that, so, we want to make the Senate as an impeachment court will be as impartial as possible," pagdiin niya.
Sa botong 212 ng mga kongresista, inaprubahan ng Kamara de Representantes ang rekomendasyon ng House justice committee na ipa-impeach si Gutierrez.
source: gmanews
Wednesday, March 23, 2011
Cayetano, tutol sa gag order sa ‘Merci’ impeachment trial
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment