MANILA – Bumuhos ang suporta sa Kamara de Representantes para sa isang resolusyon na nananawagan kay Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III, na pahintulutan na maihimlay sa Libingan ng mga Bayani ang mga labi ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Sa 283 kongresista, umabot na sa 204 ang nakapirma sa resolusyon na inihain ni Sorsogon Rep Salvador Escudero III, na nagpapahayag ng kanilang pagsuporta na ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Inaasahan na maipadadala sa Malacanang ang naturang resolusyon bago magbakasyon ang Kongreso na magsisimula sa Huwebes.
.
Si Escudero, ama ni Sen Francis Escudero, ay nagsilbing agriculture minister ni Marcos noong panahon ng martial law.
Napatalsik sa Malacanang si Marcos noong 1986 EDSA 1 People Power revolution, at pumanaw habang naka-exile sa Hawaii noong 1989. Nang iuwi sa Pilipinas ang kanyang mga labi, inilagay ito sa mausoleum sa Batac, Ilocos Norte.
Matagal nang hinihiling ng pamilya Marcos na mailibing ang dating diktador sa Libingan ng mga Bayani kunsaan inihihimlay ang mga bayani, dating pangulo, dignitaryo at mga sundalo.
Mahigpit na magkalaban sa pulitika ang mga Marcos at Aquino, at tumindi pa ito nang paslangin noong 1983 si dating Senador Benigno “Ninoy" Aquino Jr.
Si Marcos ang pinaghihinalaang nagpapatay kay Ninoy, na mariin namang pinabulaanan ng pamilya Marcos.
Noong nakaraang buwan ay inatasan ni Pangulong Aquino si Vice President Jejomar Binay na siyang magsagawa ng pag-aaral kung dapat payagan si Marcos na mailibing sa Libingan ng mga Bayani.
source: gmanews
Thursday, March 24, 2011
Paglibing kay ex-Pres Marcos sa Libingan ng mga Bayani, suportado sa Kamara
source: gmanews
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment