Inalerto na ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang lahat ng sangkot na ahensya upang maghanda sakaling magkatotoo ang pangambang total nuclear meltdown kaugnay ng aberyang dinaranas ngayon ng isang nuclear power plant ng kapitbahay na bansang Japan.
Ibinunyag ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na nagpa-brief na si Aquino sa National Security Council (NSC), Philippine Research Institute at PAGASA upang madetermina ang mga posibleng epekto sa Pilipinas sakaling mangyari nga ang pangambang meltdown.
Aminado si Valte na bagama’t hindi nila sinasabing mangyayari nga ito ay hindi naman umano puwedeng isantabi ng Philippine government ang katotohanan na malapit lamang ang bansa sa Japan.
“Madaming dapat na i-consider bago sabihin kasi proximity ‘yung sa lugar, gaano kalakas ‘yung madadalang radiation in the air. As of the moment, the President is in touch with the National Security Adviser, he has been initially updated by the NSA, the Philippine Research Institute and PAGASA to monitor the possible effects if in case the meltdown indeed occurred,” ani Valte.
Sa gitna nito ay tiniyak kahapon ng Malacañang na nananatiling hindi opsyon ng Philippine government ang paggamit ng nuclear power tulad ng pagbuhay sa Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) dahil mas madami pa aniyang alternative sources of energy na mas ligtas at katanggap-tanggap sa lahat.
Kahapon ay sinabi ni Dr. Ted Esguerra, chairman ng Search and Rescue Unit Foundation Incorporation na nagsasagawa ng mga pag-aaral sa epekto at mga paghahanda sa kalamidad ng lindol at tsunami.
Sa ginanap na pulong balitaan sa Tinapayan sa Dapitan, sinabi ni Esguerra na hindi malayong maapektuhan rin ang Pilipinas ng radiation dahil malapit lang naman ang Japan sa Pilipinas.
“Puwede tayong maapektuhan ng radiation, depende sa ihip ng hangin kung makokontamina ang tubig, isda, tao at lahat ng living things,” ayon kay Esguerra.
source: abante.com
Monday, March 14, 2011
PNoy: ‘Pinas dapat ready sa nuclear meltdown!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment