Tatlumpung Filipino na na-stranded sa isang hotel sa Fukushima ang pinupursiging mailikas ngayon ng embahada ng Pilipinas sa Japan sa pakikipagtulungan sa local authorities doon.
Ito ay kasunod ng ulat na mahigpit na mino-monitor ngayon ang ‘radiation leak’ sa Daiichi nuclear power plant na nasa Fukushima.
Bukod pa rito, wala na rin umanong pagkain, tubig at kuryente sa tinutuluyang hotel kaya’t apurahan ang pagkilos ng embahada para ma-rescue ang nasabing mga kababayan.
Nabatid na ang mga Filipinong ito ay nagtatrabaho bilang tripulante sa cargo ship na Coral Ring na nakabase sa Onahama. Sa huling report na nakuha ng embahada ay wala pang tulong na natatanggap ang mga manggagawang ito sa kanilang employer na Mercury Shipping Corp.
“They are billeted in a hotel, although there is no food, water and electricity and we have advised the authorities how to get them out of there. Ito ngayon ang ating priority,” ani Philippine Ambassador to Japan Manolo Lopez.
Hanggang kahapon ay patuloy na umaapela ang MalacaƱang sa mga Filipinong nakabase sa Fukushima na maging alerto at i-monitor ang ulat ng local authorities hinggil sa estado ng nagkaaberyang nuke plant.
“Our embassy advised our Filipinos to follow the directives of the authorities... dapat sundin po nila ang utos ng local authorities at makipag-cooperate din po... ang panawagan po ng embahada ay sumunod at lumikas,” ani deputy presidential spokesperson Abigail Valte.
Nakarating din sa kaalaman ng MalacaƱang ang ulat na mula sa 10-kilometer radius ay mas nilawakan pa ang distansya ng mga ililikas na residente palayo sa planta.
source: abante
Monday, March 14, 2011
30 PINOY IRE-RESCUE SA NUKE AREA
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment