Kung hindi mapipigilan ay posibleng maging epidemic ang kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa dahil na rin sa tumataas ang kaso nito na karaniwang mga kabataan ang biktima.
Sa pinakahuling data ng Department of Health (DOH) HIV/AIDS Registry, lumilitaw na isa sa bawat 3 positibo sa sakit ay nasa edad na 15 hanggang 24-anyos na bracket lamang.
Ayon kay Dr. Eric Tayag, director ng National Epidemiology Center (NEC), sa nakalipas na apat na taon ay tumaas ang kaso ng sakit, mula sa 44 na kaso ng kabataang positibo sa HIV noong 2006 ay lumobo ito sa 484 noong 2010.
Aminado si Tayag na nakababahala ang datos na ito at dahil sa lubhang mapupusok ang mga kabataan ay hindi malayong mangyari na makahawa ito ng iba nang hindi nalalaman ng kanilang kapareha.
Sa kanyang talumpati sa ginanap na United Nation Children’s Fund (UNICEF) presentation ng “State of the World’s Children,” sinabi ni Tayag na ang mga kabataan na bago sumapit ang edad na 24-anyos na nagpositibo sa HIV ay tiyak na ma-develop sa AIDS pagsapit ng edad na 40-anyos.
DepEd alarmado
Samantala, nagpahayag ng pagkaalarma ang Department of Education (DepEd) hinggil sa nasabing datos.
Ayon kay Dr. Lolita Andrada, director ng Bureau of Secondary Education (BES), dapat umanong ideklarang “educational emergency” ang ulat ng State of the World’s Children Report 2011: Adolescents An Age of Opportunity.
“With this increasing number of youth (with age ranges) 15-24 infected with HIV, we need to be proactive in our approach as we recognize this silent epidemic,” pahayag ni Dr. Andrada.
Health concern ‘yan -- Palasyo
Naalarma rin ang MalacaƱang sa report, kung saan sinabi ni presidential spokesman Edwin Lacierda, na isang malaking “health concern” ang ulat na lumalaki ang bilang ng HIV cases sa bansa ngunit tiniyak nito na may programa na para rito si Health Secretary Enrique Ona.
Maliban sa pagiging health concern ay isang educational concern din umano ang nasabing ulat dahil namulat sila sa reyalidad na kailangan pang paigtingin ang pag-imporma sa mga kabataan hinggil sa HIV illness.
source: abante
Friday, March 4, 2011
ESTUDYANTE, HIGH-RISK NA SA AIDS
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment