Friday, March 4, 2011

Maria Aragon, proud sa pagiging Pinay



Hindi pa man umaakyat sa stage, nadagdagan na ang milyun-milyong tagahanga ng YouTube sensation na si Maria Aragon nang mag-perform siya sa harap ng media sa Virgin Records, Toronto kaninang umaga.

Ayon kay Maria, lalong mapapahanga ang mga kababayan dahil kahit ipinanganak at lumaki sa Winnipeg, Canada, marunong pa rin siyang mag-Tagalog.

“Hindi naman konti lang, okay lang ako mag-Tagalog,” sabi ni Maria.

Nais niyang makarating sa Pilipinas at malaki ang pasasalamat niya sa suporta ng mga kapwa Pinoy mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

“I’m just proud to represent the Philippines...I try to keep up with tradition. I’m not disconnected with the Filipinos. I watch TFC, too,” aniya.

Proud din ang mga magulang ni Aragon at todo suporta sila sa anak.

"Three hours lang papakinggan niya, tapos sasabihin, 'Papa I’m ready.' Ganoon siya [kapursigido] para kumanta,” sabi ng ama ni Maria.

Mabilis na sumikat ang batang Pinay matapos gawin ang cover ng "Born This Way" ni Lady Gaga at pag-tweet ng pop superstar tungkol sa kanya.

Gayun pa man, simple pa rin ang mga hilig niya. Paborito ni Aragon ang palabok, pork tocino at nilaga.

Sunud-sunod man ang offer sa kanya, masusing pinag-aaralan ng kanyang pamilya kung ano ang makabubuti para sa 10 taong gulang na YouTube star.

“We’re still making a decision as a family...I don’t want to be so quick and do everything at once... still want to finish my education,” sabi ni Maria.

Excited si Aragon bago ang concert ni Lady Gaga at isang bagay lang ang ginawa niya bago ang concert.

“We always pray before we go onstage, that’s what we do,” lahad ni Maria.

Hindi binigo ni Aragon ang pagkakataong ibinigay ni Lady Gaga sa kanya sa kanilang duet sa Toronto concert ng pop superstar. Todo ang performance ng YouTube star sa karanasang tiyak na hindi niya malilimutan.


source: abs-cbnnews

No comments:

Post a Comment