So far Caltex pa lamang at Flying-V ang nag-aanunsyo pero alam niyo naman ang mga ito, malamang magsusunuran din ang iba ano mang oras mula ngayon.
Piso sa kada litro ng diesel, gasolina at gas ang itataas ng Caltex at Flying-V mamayang hatinggabi. Ang Flying-V sa Sabado pa iyan.
Pero ang pinaka-bad news, nagbabadya na naman ang isa pang oil price hike sa susunod na linggo. Pero ang Department of Energy, para sa kanila, hindi na masyadong isyu ang presyo dahil mas tinututukan nila ang usapin ng pagpaparami ng suplay ng petrolyo ng bansa.
Caltex ang unang nag-anunsyo ng ikalawang bugso ng pagtaas sa presyo ng petrolyo ngayong linggo.
Piso ang dagdag sa diesel, gasolina at gaas simula mamayang hatinggabi.
Susunod ang Flying-V sa Sabado pero ang dagdag na bad news, may nagbabadyang isa pang pagtaas sa susunod na linggo.
Mula kasi Lunes hanggang Miyerkules ngayong linggo, lagpas-piso na ang itinaas ng presyo ng imported na petrolyo.
“If the increase continues up to Friday, which then I expect that to be about P1.50. But if it lowers down, it’s going to be about P1. There’s going to be an increase. That’s the bottomline,” sabi ni Chito Villavicencio, president at CEO ng Flying-V.
Pero para sa DOE, mas importante ang pagsiguro ng imbentaryo o suplay ng petrolyo sa gitna ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Sa kabuuan, tatagal ng mahigit isang buwan ang suplay ng langis ng Pilipinas kahit walang makuhang imported.
Dalawampu't limang araw na suplay ng krudo at 24 na araw naman ang reserbang "finished product" o diesel at gasolina.
Pinulong kanina ng DOE ang mga opisyal ng mga "independent oil player" para pag-usapan ang kanilang reserba at ang posibilidad na magrasyon ng petrolyo.
Ito ang itsura ng coupon na maaaring ipamigay sa mga motorista kapag naging limitado na ang suplay.
Inatasan din ng DOE ang mga kumpanya ng langis na maghiraman ng produkto kung kinakailangan.
“Halimbawa po sa Manila, nandito lang ang Shell at ang Caltex. Tapos sa Pasig po nandoon lang ang Petron at Caltex. Kapag naubusan po ang Caltex puwede po silang mag-exchange po. Iyan ho ay isang hakbang para masigurado po na hindi mauubusan ng langis sa isang lugar,” paliwanag ni Energy Undersecretary Jay Layug.
Petron ang may pinakamaraming reserbang nasa storage facility na nila. Dalawang buwang suplay din ang reserba ng Shell bilang paghahanda dahil tensyonado ang sitwasyon sa Middle East.
“It’s very important for all of us to be aware. This is a serious matter. Hindi ito planning lang,” sabi ni Roberto Kanapi, tagapagsalita ng Pilipinas Shell.
Bubuo naman ang MalacaƱang ng isang inter-agency committee sa pamumuno ng DOE na aaksyon sakaling maputol ang suplay ng langis ng bansa.
"Sa ating mga kababayan, pakititigan po. Iyan po ang presyo ngayon ng mga produktong Petrolyo dahil sa loob lamang po ng mahigit 5 oras, hindi na po iyan. Madadagdagan na ng piso. Ang P43 na diesel, magiging P44, ang P52 to P53 na gasolina ay magiging P53 to P54 na mamayang hating gabi.
source: abs-cbnnews
Friday, March 4, 2011
Presyo ng diesel at gasolina, tuloy sa pagtaas
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment