Anim na bansa ang sunud-sunod na naglabas ng travel advisory sa kanilang mga mamamayan sa Tokyo dahil sa dinaranas na nuclear crisis na epekto ng kambal na kalamidad na tumama sa nasabing bansa nitong Marso 11.
Kabilang sa mga bansang naglabas ng advisory ay ang Australia, Germany, Britain, Serbia, Croatia at China.
Tsunami drill --- Hindi lang earthquake at mga panlupang emergency drill ang inaatupag ng government agency at kahapon ay isang tsunami drill naman ang isinagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Manila Bay. (Jonas Sulit)
Sa babala ng Australian Department of Foreign Affairs, wala umanong kinalaman sa pagsambulat ng nuclear plant ang kanilang advisory, kundi ito ay dahil sa mga aftershocks na patuloy na nararamdaman sa Japan.
Pinaalis rin ng German government ang kanilang mga kababayang nasa 1,000 na lamang sa Japan mula sa dating 5,000 na naninirahan malapit sa plantang nukleyar.
Sumabay rin sa pagpapalabas ng travel advisory laban sa Japan ay ang Serbia at Croatia.
Matatandaang nanguna ang China sa nagpatupad ng massive evacuation sa kanilang mamamayan palabas ng Japan.
Isinusulat ang balitang ito ay itinulak na rin ng Estados Unidos ang pagpapaalis sa Tokyo ng kanilang mga mamamayan. Maging ang pamilya ng kanilang embassy personnel ay binigyan ng opsyon na lumikas.
“The State Department strongly urges US citizens to defer travel and consider departing,” pag-echo ni State Department official Patrick Kennedy sa naunang kalatas ng opisina.
Pero nilinaw nito na hindi ito “order” para mag-evacuate.
“We have not ordered them to leave. We have made this opportunity available to them should they choose to exercise it,” dagdag nito.
Maging ang France, Italy, New Zealand at The Netherlands ay nagpalabas ng paalala sa kanilang mga kababayan sa Tokyo na umalis kung kinakailangan.
“If you’re in Tokyo or any of the affected prefectures... we are saying that you should depart,” said Australian Foreign Minister Kevin Rudd.
Dahil dito, nagkaubusan na ng mga airlines tickets palabas ng Japan at maging ang mga pribadong kumpanya ay nagkukumahog sa pag-upa ng mga pribadong eroplano para hakutin ang kanilang mga empleyado.
Nagpadala na ng chartered plane ang Estados Unidos para sumundo ng mga kababayang nagnanais na umalis at maging ang France ay nagsugo ng dalawang government aircraft para sa kanilang mga kababayan.
source: abante
Friday, March 18, 2011
ALSA-BALUTAN NA SA TOKYO
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment