Friday, March 18, 2011

TULOY ANG BITAY -- CHINA



Inabisuhan na ng Chinese government si Pangulong Benigno Aquino III na itutuloy na ang pagbitay sa tatlong Filipino drug convicts na naantala noong nakaraang buwan at ipinaliwanag na ang desisyon ay walang kaugnayan sa naganap na iringan sa pagitan ng dalawang bansa kamakailan kaugnay sa pinag-aagawang Spratly islands, ayon sa Chinese ambassador kahapon.

Ang tatlong Pinoy na bibitayin na nahatulan sa drug trafficking ay sina Sally Ordinario, Ramon Credo at Elizabeth Batain.


Ang tatlo ay unang na­sentensyahang mabi­tay dahil sa kasong droga na itinakda ang pagbitay noong Pebrero subalit inurong matapos mapakiusapan ni Vice President Jejomar Binay ang Chinese government na ipagpaliban ito.


Sa isang press confe­rence, sinabi ni Chinese Ambassador Liu Jianchao na ang bawas-parusa sa bitay “has been ruled out,” idinagdag pa ang desisyon ng China’s Supreme People’s Court ay pinal na at ipatutupad na ito “sooner or later.”


Si Pangulong Aquino ay sumulat kay Chinese President Hu Jintao na umaapela. Sinabi nito sa mga mamamahayag na ang isyu ay isang pagsubok sa pangako ng China para sa building closer bilateral ties.


Gayunpaman, sinabi ng China, na ang mga isyu ay may kinalaman sa mga kasong kriminal na hiwalay umano mula sa Asian countries’ robust bilateral relations.


“I don’t want our wonderful relations to be kidnapped by these drug criminals,” ani Liu. Idinag­dag pa nito na ang tatlong Filipino ay buhay pa sa kasalukuyan.


Iginalang ng palasyo


Bunsod nito, nagdesisyon kahapon ang MalacaƱang na tanggapin at igalang na lamang ang pinal na desisyon ng Chinese government na ituloy ang pagbitay sa tatlong Filipino nationals na sentensyado sa drug trafficking.


Ayon kay presidential spokesman Edwin Lacierda, bagama’t pipilitin pa rin ng Philippine government na umapela, sa pang­kalahatan aniya ay tatanggapin at igagalang na lamang nila ang desisyon at hurisdiksyon ng Chinese government sa usa­pin lalo na’t malinaw naman umano sa administrasyong Aquino na ang commitment lamang ng China authorities ay ang pagpapaliban noon sa bitay.


Inamin naman ni La­cierda na ikinalulungkot nila ang nangyari pero wala umano silang magagawa kundi ang igalang ito lalo na’t ang pagpapaliban sa bitay kamakailan ay unang beses pa lamang na ginawa ng Chinese government bilang pagbibigay sa kahili­ngan ng Philippine government.


“Malungkot ang nangyari pero they are subject to Chinese rules, we respect their decision,” ani Lacierda.


DFA umamin


Inamin ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert del Rosario na maging siya ay blangko na kung papaano pa maisasalba ang tatlong Pinoy na nakahilera sa parusang bitay.


“I think every effort has been made for their clemency…I don’t know what other initiative we can undertake but we’ve already sent 2 envoys, we’ve even done back channeling,” pahayag pa ng kalihim.


“Notwithstanding that, we have to respect the Chinese who are proceeding with their rule of law,” dagdag pa nito.

source: abante

No comments:

Post a Comment