Saturday, April 7, 2012

Marian, kaisa-isang Pinay na pumasok sa Top 10 Int’l Beauties ng TopTenz.net!

source: abante.com.ph


Bongga talaga ang beauty ni Marian Rivera. Aba, nakasama pala siya sa Top 10 International Beauties of 2012 ng website na TopTenz.net.

Nasa number 9 position si Marian at siya lang ang tanging Pinay na nakasama sa listahan ng mga magaganda sa buong mundo, ha!


Kunsabagay, kahit naman ako ay gandang-ganda kay Marian. Ang linis-linis ng mukha at kahit puyat at pagod, beauty pa rin.

Hindi kasi pabaya si Marian sa beauty niya, at wala siyang bisyo, `no!


Hindi siya tulad ng ibang artista na alam na ngang maraming trabaho, kung saan-saang bar pa tumatambay para maglasing.


Anyway, makikisaya ang cast ng My Beloved sa Panagbenga Festival sa Baguio City ngayon.

Magkakaroon ng mall show sina Mikael Daez, Jennica Garcia, Andrea Torres, Louise delos Reyes at Fabio Ide ng 1: 00 PM sa CB Mall Urdaneta Atrium sa Pangasinan.


Pagkatapos ay magkakaroon sila ng mall show at 4:00 PM sa SM City Tarlac Events Center.
At sa Sunday, sasama sa Panagbenga Grand Float Parade sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Makikisaya naman sa Kapuso Night at 6:00 PM sa SM City Baguio sina Katrina Halili, Jennica Garcia, Carl Guevarra at Fabio Ide.
source: abante.com.ph

No comments:

Post a Comment