Friday, November 11, 2011

Tsismis kay Pacquiao, sinu-supply ni alias ‘Hulaan Moko’ kay Jinkee!

source: abante.com.ph


“Hulaan Moko” ang alias ng tao na nagpapadala kay Jinkee Pacquiao ng mga impormasyon tungkol sa “personal activities” ng kanyang asawang si Congressman Manny Pacquiao.

Base sa aming research, may exchange of emails sa pagitan ni Jinkee at ni Hulaan Moko tungkol sa mga nalalaman nito sa tunay na kaugnayan ni Manny kay Kat Ordoñez.


Ang litrato nina Kat at Manny habang karga nito ang “inaanak” na si King Arthur ang ginamit na profile pic ni Hulaan Moko.


Malapit kay Jinkee ang nagsabi sa amin na alam na niya (Jinkee) ang buong katotohanan tungkol sa koneksyon ni Manny kay Kat kaya hindi malayo na kabilang si Hulaan Moko sa mga nagbigay sa kanya ng impormasyon.


From somebody in the know, kamag-anak si Kat ng dating aktor na si Sherwin Ordoñez at nakatira siya ngayon sa isang village na malapit sa Commonwealth Avenue, QC.


Lumipad si Jinkee sa Los Angeles noong Miyerkules nang gabi. Mu­ling iniwasan ng asawa ni Manny ang mga mi­yembro ng media na nag-abang sa kanya at nagbaka-sakali na sasagutin niya ang mga isyu tungkol sa kanilang relasyon.
source: abante.com.ph

No comments:

Post a Comment