Friday, November 11, 2011

BABAE SA RAMGEN SLAY, NAGPARAMDAM


source: abante.com.ph


Nagpahayag nang boluntaryong pagsuko sa pamamagitan ng ­‘feelers’ ang isa pang salarin na maaaring lalong magpalakas ng ebidensya ukol sa brutal na pagpatay kay Ramgen Jose Bautista na ang itinuturong ‘utak’ ay ang dalawang kapatid nito.

Ito ang sinabi kahapon ni Senior Supt. Billy Betran, hepe ng Parañaque City Police na sinabing si Glaiza Vista, ay nagpadala ng surrender feelers kay PNP Chief Director Ge­neral Nicanor Bartolome Jr. kagabi upang magbigay ng kanyang salaysay ukol sa kontrobersyal na Ramgen murder case.


Si Vista ang sinasabing nag-recruit sa mga killers ni Ramgen.


Bukod dito ay kasama rin ni Vista ang nobyo nitong si Norwin dela Cruz na tumayong ‘middleman’ sa pagitan ng ‘masterminds’ at perpetrators. Sila ay nana­natiling ‘at-large’ ngayon.


Tulung-tulong ang mga bumbero at mga resi­dente para puksain ang apoy sa nasusunog na Gomburza Elementary School kasama ang 10 pang kabahayan sa Malonzo St., Samson Rd., Bgy. 74, Caloocan City kahapon na umabot sa ikaapat na alarma. (Art Son)

Ayon kay Beltran, malaki ang maitutulong ni Vista sakaling sumuko ito at ihayag ang lahat nang nalalaman bago paslangin ang biktima.


Bagama’t hindi pa tuluyang isinasara ang kaso nito ay patuloy pa ring nangangalap ng matitibay na ebidensiya ang mga awtoridad na lalong magdidiin sa magkapatid na sina Ramon Joseph, 18 at Maria Ramona ‘Mara’ Bautista, 22, na may kina­laman sa brutal na pagpatay sa kanilang nakatatandang kapatid.


Si RJ ay sinampahan na ng kasong murder at frustrated murder sa piskalya samantalang si Ramona ay ‘nakapuga’ na palabas ng bansa ay isina­ilalim kahapon sa preliminary investigation sa tanggapan ni Parañaque City Assistant Prosecutor Leah Roma.


Ang magkapatid na Revilla ay itinuro nina Michael Jay Nartea at Roy Francis Tolisora na may kinalaman sa krimen, base na rin sa magkakahiwalay na affidavits na kanilang isinumite sa piskalya.


Nasa kustodya na rin ng pulisya sina Loyd Comeda, Ruel Puzon, Nartea at Tolisora na kasabwat umano sa krimen ngunit mariing itinanggi ang paratang.


Samantala, kumpiyansa ang abogado nina Nartea at Tolisora na si Atty. Annaluz Cristal, na mapawalang-sala ang kanyang mga kliyente.
source: abante.com.ph

No comments:

Post a Comment