Friday, September 30, 2011

Yosi pix ni Anne, posibleng madamay sa isyu ng yosi pix ni Nora Regal, nakipag-tandem sa TV5!

source: abante.com.ph


Lumikha ng ingay ang Yes! cover ni Nora Aunor dahil sa pag-alma ng advocates ng no smoking gaya ng Philippine Medical Association officers pati na ang running priest na si Fr. Robert Reyes.

Tri-media talaga ang pagpalag ng mga taong ito pero siyempre, may mga dumepensa rin sa pictorial na ‘yon ng superstar lalo na ang editor in chief ng magazine na si Jo-an Maglipon.


Heto ngayon ang isa pang pictorial na may hawak na sigarilyo ang isa ring kilalang aktres -- si Anne Curtis. Nakatanggap na kami sa Facebook ng cover ni Anne sa Rouge magazine na meron din siyang hawak na yosi, huh!


Aber, tingnan natin kung papalagan din ng mga haters ng naninigarilyo ang cover na ito ni Anne gaya ng pag-iingay na ginawa nila sa cover ni Nora, huh!


***


Kumpirmado na ang pagbabalik ng Regal Television at sa TV5 ang unang proyekto ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde na bagong bersyon ng horror program na Regal Shockers!


Sa totoo lang, may episode nang na-tape para sa sikat na sikat na programa na walong taon ding namayagpag sa GMA. Ang RS din ang isa sa shows na nagpasikat kay Robin Padilla nu’ng baguhan pa lang siya.


Of course, mas updated at pagagandahin ang special effects ngayon sa RS at ito ang tipong movie na made for television, huh! Itatampok din sa palabas ang mga kilalang directors na gamay na gamay na sa paggawa ng horror stories.


Ang RS ang isa sa programa na ila-line produce ng Regal sa TV5. Bukod pa ito sa joint venture sa paggawa ng movies na sisimulan sa festival entry nilang Hototay.


Sa mga nakalimot na, ang Regal through Mother Lily ang mga unang nag-produce ng TV shows sa ABS-CBN nang muli itong magbukas after ng EDSA Revolution. Isa sa hit TV shows na prinod­yus ng Regal TV ay ang sitcom na Palibhasa Lalake.


So, sa pagpasok ng Regal TV sa TV5, asaha­n ang major changes sa viewership ng Kapatid Network, huh!

source: abante.com.ph

No comments:

Post a Comment