Friday, September 30, 2011

Vice umaming nagka-gf ng lima

source: philstar.com


Kung umamin ang veteran and respected actor na si Eddie Garcia na may sex experience siya sa bading, umamin din si Vice Ganda na naka-limang girlfriend siya nung kabataan niya sa ginanap na presscon kahapon ng pelikulang Praybeyt Benjamin na bida si Vice.

Si Eddie, aminado siyang sinubukan niya ang bading when he was 15 years old dahil gusto niyang i-try lahat.

After niyang umamin, hindi na rin pumalag ang dalawa pa nilang kasama sa pelikula na sina DJ Durano and Carlos Agassi.

Yes finally, inamin nilang nagkaroon din sila ng karanasan sa mga kafatid nating bading.

Pero mas maganda sana kung inamin nila kung sinu-suno particular na ang kay Mr. Eddie ang mga nakaniig nila. Mas shocking ‘yun.

Or kung gaano katagal ‘yun. Maging kina DJ at Carlos ay tiyak na magpapasaya sa sang-kaba­dingan kung umamin sila kung sinu-sino ang mga naging ‘mama’ nila.

Si Vice naman, mga lima raw ang naka-relas­yon niyang babae pero walang sex encounter, halik lang.

Kaya lang, makakatulong kaya ang mga issue na ‘to para sa pelikula ng Star Cinema and Viva Films?

Or kung hindi kaya umamin si Manoy Eddie aamin din kaya sina DJ at Carlos?

Anyway, inamin na rin ng komedyante na may problema nga siya sa manager niyang si Ogie Diaz. Pero ayaw idetalye ni Vice kung ano ang rason ng hindi nila pag-uusap ng manager. Pero sinabi rin niyang hindi naman sila maghihiwalay.

Malawak daw ang salitang hindi maghihiwalay. “Puwedeng matapos ang relasyon namin bilang manager at talent, pero ‘yung mag-ina, ‘yung magkaibigan, hindi mapuputol ‘yun. La­ging may karapatan si Ogie na magsalita sa akin at iginagalang ko ang mga salitang ‘yun. Hindi natatapos ang relasyon namin ni Ogie,” sabi ng komedyante na natuwa na umamin ang mga kasamahan niya sa pelikula tungkol sa karanasan nila sa mga katulad niyang third sex.

Follow up movie bale ni Vice Ganda ang Praybeyt Benjamin. Si Derek Ramsay ang leading man niya rito at sabi niya, nagmalisya siya sa mga eksena nila.

Sayang nga at wala si Derek sa ginanap na presscon dahil baka may inamin din siya kung andun siya kahapon.

Showing na sa October 12 ang pelikula.

source: philstar.com

No comments:

Post a Comment