Saturday, May 28, 2011

Melissa inaming hiwalay na sila ni Jake


source: abs-cbnnews


Sa mga ngiti ni Melissa Ricks sa launching ng bago niyang endorsement, walang mag-aakala sa bigat ng kanyang pinagdaanan.

Hiwalay na sila ni Jake Cuenca matapos ang dalawang taong relasyon.

“To be honest, wala na po kami ni Jake. I just want everything to be okay para masaya lang tayong lahat. Napapagod na ako na takas ako nang takas sa camera. I just want everything to be back to normal and wala na'ng intriga. I just want things to be okay and sana maging friends kami,” sabi ni Melissa.

Dalawang buwan na diumano silang hiwalay ni Jake pero walang love triangle.

“People grow older and people change. Nag-iiba lang talaga. Maybe we have different set of priorities. Basta iba. And he has problems he has to fix, I have problems I have to fix,” sabi ni Melissa.

Kabaligtaran naman ng pagtatapos ng relasyong Melissa at Jake ang pag-usbong ng magandang relasyon nina Angel at football hearththrob na si Phil Younghusband.

“He’s very supportive. [Hindi siya susunod sa America,] may game sila,” sabi ni Angel.

Ayaw namang makialam ni Angel sa pag-amin ng dati niyang boyfriend na si Luis Manzano tungkol kay Jennylyn Mercado.

“I’m sorry pero wala ako sa position para mag-react,” sabi ni Angel.

Sa pagtulak ng cast sa Amerika para sa international premiere, ang good news ay napabilang ang “In the Name of Love” sa listahan ng 20 pelikula na may malaking kinita sa buong mundo.

Halagang $1.9 million o P84 million ang kinita ng pelikula sa unang linggo pa lang.

source: abs-cbnnews

No comments:

Post a Comment