Saturday, May 28, 2011

Derek iginiit na wala silang relasyon ni Erich

source: abs-cbn


Binansagang casting coup ng taon ang pagtampok sa dalawa sa pinakamagagandang aktres na sina Anne Curtis at Cristine Reyes at isa sa pinakamakisig na aktor sa showbiz na si Derek Ramsay sa pelikulang tatalakay sa bawal na pag-ibig.

“I’m really nervous for this movie,” sabi ni Derek.

“Ito na siguro ang pinaka-challenging na gagawin ko so far,” sabi ni Cristine.

“Feeling ko maguguluhan ang mga tao, parang kanino ba kami approve,” sabi ni Anne.

Lihim pa kung sino ang gaganap na other woman sa pelikula pero puno ito ng mapangahas na eksena tulad ng hubo’t hubad na cliff diving nina Derek at Anne.

“Nakaka-inspire to take on more serious and mature roles,” sabi ni Anne.

Pagkakataon na rin ito ni Derek na ituwid ang pagkakaugnay niya kay Erich Gonzales kung saan nag-react si Angelica Panganiban.

“There’s nothing going on between Erich and I except for this movie that we’re going to finish off,” sabi ni Derek.

Samantala, ipinagtanggol naman ni Cristine ang sarili sa isyu ng pamboboso diumano ng isang security guard sa kanilang taping.

Gusto lang niyang ituwid ang punang seksi kasi siyang manamit.

“Damit ko po noon is manang talaga so hindi po nila ako puwede i-judge na the way I dress kasi personally, the way I dress is like this. Hindi po ako revealing,” sabi ni Cristine.

source: abs-cbn

No comments:

Post a Comment