Monday, May 23, 2011

4-ANYOS GINILITAN SAKA GINAHASA, NABUHAY!


source: abante


Sinuntok,sinampal, ginilitan at saka ginahasa ang 4-anyos na paslit ng lasing na embalsamador, ngunit nabisto rin ang krimen nang himalang mabuhay ang paslit na biktima at ikanta ang kanyang sinapit sa kamay ng suspek.

Sa report ng Koronadal Police sa Camp Crame kahapon, kinilala ang suspek na si Gerald Subere, 19, residente ng Purok Vergara, Zone III, Korona­dal City.

Nabatid sa report na lasing umano si Subere nang ipasok nito sa kanyang boarding house ang hindi pinangalanang biktima kamakailan.

Sa lugar ay sinuntok muna at saka sinampal ang paslit, hanggang gilitan ito sa leeg upang ma­patahimik sa pagpalahaw. Nang lupaypay na ang paslit ay saka umano ginahasa ni Subere.

Matapos ang ­krimen ay basta na lang itinapon ang agaw-buhay na bata sa likod ng boarding house.

Narekober naman ang paslit ng kanyang mga kapitbahay at saka itinakbo sa pagamutan, kung saan himalang nakaligtas ito sa kamatayan.

Nakapagsalita na rin ang batang biktima, kung saan itinuro nito si Subere na siya umanong lumapastangan sa kanya.

Sa himpilan ng pu­lisya, aminado umano ang suspek sa ginawang krimen, kung saan nahaharap ito ngayon sa kasong rape at frustrated murder.

source: abante

No comments:

Post a Comment