Saturday, April 16, 2011

Steven at Diana partner!


source: abante


Sina Steven Silva at Daiana Menezes ang magkapareha sa The Awesome Hunt, Discover The Philippines online, ang reality game show ng PLDT MyDSL.


Team Marikina ang pa­ngalan ng team nina Steven at Daiana dahil sila ang pinapunta sa Marikina City para hanapin ang local hidden gems sa mga instruction na makikita nila sa isang historical landmark, barangay hall, restaurant at novelty shop.


Ginanap ang The Awesome Hunt noong April 7, ang araw na pumutok ang balita na kinasuhan si Daiana ng tax evasion ng BIR. Napangiti si Steven nang ikuwento nito na habang hinahanap nila ni Daiana ang mga clue para sa The Awesome Hunt, hinahanap din ng mga TV reporter ang Brazilian TV personality para sa panig nito tungkol sa kanyang tax evasion case.


Hindi nahirapan ang mga TV reporter sa paghahanap dahil nalaman nila na nasa Marikina City si Daiana para sa taping ng The Awesome Hunt.


“No comment!” ang mabilis na sagot ni Steven nang tanungin ito tungkol sa tax evasion case ng kanyang kapareha.

source: abante

No comments:

Post a Comment