Saturday, April 16, 2011

Ryza di na galit kay Machete


source: abante


Si Ryza Cenon na rin ang tumapos sa isyu na nagalit siya kay Aljur Abrenica dahil diumano, nagsalita ang aktor na hindi nag-rate ang dati nilang teleserye dahil sa kanyang leading ladies, sina Ryza at Bela Padilla.


Sinabi ni Ryza ang kanyang tampo laban kay Aljur sa presscon ng The Awesome Hunt ng PLDT MyDSL dahil isa siya sa mga celebrity contestant.


Umani si Aljur ng mga pagbatikos pero lumabas ang katotohanan na hindi siya nagbitaw ng ganoong salita. Si Ryza na rin ang nag-abswelto kay Aljur nang sabihin niya na “misinformed” siya.


Narinig ni Ryza ang intriga mula sa ibang tao at hindi kay Aljur na biktima ng mga maling haka-haka at pahatid na balita.

source: abante

No comments:

Post a Comment