Wednesday, April 13, 2011

Buhok ni Venus Raj, pinaglaruan sa Twitter!

source: abante


Pinaglaruan talaga sa Twitter si Maria Venus Raj dahil sa style ng buhok niyang kulot sa katatapos na Bb. Pilipinas coronation, huh!

Actually, nakakaaliw ang mga comments na nabasa namin sa Twitter gaya ng may kinalaman daw sa paparating na Semana Santa ang estilo ng buhok ng 2010 Miss Universe 4th runner up, huh!


Hindi nga lang malinaw kung pang-Poong Nazareno o Sto. NiƱo ang drama ng buhok niya!


Dumating pa nga sa point na pumasok ang NBI na binago ang ibig sabihin. Sa halip na National Bureau of Investigation ang ibig sabihin, ginawa itong Nagkulot ng Buhok Investigation! Natukoy naman ang taong nagkulot ng buhok ni Venus at sey ng Twitters, “Salamat sa ‘yo! Ikaw ang sinugo!”


Pero in the end, merong disclaimer ang mga naglaro sa buhok ni Venus. “Ang mga tweets po ninyong nabasa ay biruan lang. Patnubay at gabay ang kailangan.


“Manalangin tayo. Peace.”


Dedma lang si Venus Raj sa lahat ng tweets sa style ng kanyang buhok, huh! Pero in fairness, no. 8 sa trending topic sa Twitter ang buhok niya, huh!

source: abante

No comments:

Post a Comment