Thursday, April 14, 2011

Leo Martinez, lider ng magnanakaw

source: abante

Kung may mga artistang halos mamalimos na dahil sa kawalan ng trabaho, kabaligtaran naman ito ng sitwasyon ni Leo Martinez. Aba, bukod sa kasama siya sa sitcom ng TV 5 na Hapi-er Togeder, heto at may pelikula pa siya, ha!

Bida nga si Leo Martinez sa pelikulang Law Law Gang: Umpisa Pa Lang ‘To, na prodyus ng Lara Films.


Ang Law Law Gang ay kuwento ng mga magnanakaw na nakulong. Habang nasa loob sila ng kulungan, napagkasunduan ng grupo na kapag nakalabas na sila ng kulungan ay hinding-hindi na sila gagawa ng mga ilegal na gawain. Sa halip ay gagawa sila ng maganda para makatulong sa kanilang kapwa na mahihirap.


At ‘yun na nga, pina­ngunahan nila, sa tulong ng mga pulis, ang paghuli sa mga kidnappers, carnap gangs at iba pang masasamang tao.


Kasama ni Leo sa Law Law Gang sina Pekto, Hero Bautista, Vincent Daffalong at Brownie, pati na sina Jun Urbano, Robert Miller, Alicia Lane, Amay Bisaya, Althea Vega at Archie Ramos. Introducing naman sina Kai Lagunsad at Les Nolasco.


Mula ito sa direksyon ni Joel Apuyan, at sa panulat ni Tony Cruz. Palabas na ito sa May 4.


source: abante

No comments:

Post a Comment