Thursday, April 7, 2011

Sa pagpirma sa Golden Boy, Pacquiao-Marquez 3 BURADO NA


source: abante


Dahil sa balitang umano’y nagkaayos na si Juan Manuel Marquez at ang Golden Boy Promotions -- posibleng burado na rin ang tsansang magkaroon ng Part 3 ang sagupaan nila ni Filipino ring icon Manny Pacquiao.

Sa pakikipag-ayos ni Marquez sa GBP ni Oscar De La Hoya, ibang laban ang inililinya nito para sa kanya.


At dahil matindi ang alitan ng GBP at ng Top Rank ni Bob Arum, na siya namang promoter ni Pacquiao … inaasahang walang magaganap na negosasyon sa pagitan ng dalawa.


Sa ulat ng Examiner kung saan binanggit sa report ng Univision na apat na pangalan ang inililinya kay Marquez -- si Zab Judah, ang winner sa pagitan nina Robert Guerrero at Michael Katsidis o kaya’y si British star Amir Khan.


Dalawang beses nagharap sina Pacquiao at Marquez -- una’y nauwi sa draw at ang ikalawa’y nagwagi ang Pambansang Kamao via split decision -- resultang hindi matanggap ni Marquez, kaya’t humihirit ito ng ikatlong laban.


Si Pacquiao ay kasalukuyang nag-eensayo sa Los Angeles para sa May 7 encounter kay Shane Mosley sa MGM Grand sa Las Vegas.
source: abante

No comments:

Post a Comment