Monday, March 7, 2011

Paolo at Lian, excited na kay Xalene Abriana



Ngayong araw na ito, March 7 ipapanga­nak ni Lian Paz ang kanilang second baby ni Paolo Contis.

Incidentally, ngayong araw rin na ito ang actual birthday ng panganay nilang anak ni Paolo na si Xonia Aitana.

Itinapat na raw talaga ni Paolo na sa mismong birthday rin ni Xonia ang magiging kapanganakan ng kapatid nito, na babae rin, dahil caesarean naman si Lian kaya may chance silang mamili kung anong date nila gustong ilabas ang bata.

May nakahanda na rin na name sina Paolo at Lian na ayon sa kanila, bukod sa same initinal ng first born nila, victorious daw ang meaning which means, Xalene Abriana.

Nag-celebrate naman ng first birthday si Xonia sa Wagyu Stone Grill sa Eastwood Mall kagabi. Instead na isang magarbong bonggang first birthday party sana, nag-decide sina Paolo at Lian na gawin na lang itong isang family intimate dinner with their family and close friends.

Siguro raw na sa isang taon, dahil 1st birthday na ni Xalene at 2nd birthday naman ni Xonia ang engrandeng selebrasyon na gagawin nila.

Right after din ng dinner celebration ni Xonia, diretso na sina Paolo at Lian sa birthing room ng St. Luke’s Hospital kunsaan, ngayong araw nga manganganak si Lian.

Ayon kay Paolo, kung gaano raw sila ka-excited noong hinihintay pa nila ang paglabas ng first baby nila, gayundin daw ang nararamdaman nila sa se­cond daughter.

May ipinapagawa na rin na bahay sina Paolo at Lian na posibleng sa taong ito ay matapos at matitirhan na nila.

source: abante

No comments:

Post a Comment