Sunday, March 6, 2011

2 BEBOT HUBO’T HUBAD NA PINALANGOY SA SARILING DUGO



Masusing iniimbesti­gahan ngayon kung sino ang nasa likod ng pagpaslang at posibleng paggahasa sa dalawang kababaihan sa loob ng kanilang stall sa loob ng isang gusali sa Apalit, Pampanga.

Ang naliligo sa sariling dugo dahil sa dami ng tinamong mga saksak sa katawan ay sina Gemma Manalansan, 19, at ang kasama nitong si Princess Danan, 19.


Ang kanilang bangkay ay natagpuan ng mga em­pleyadong pumasok sa commercial building dakong alas-otso ng umaga kahapon.


Ayon sa Apalit Munici­pal Police Station, isang tricycle driver ang nagtungo sa kanilang himpilan upang sabihin ang natagpuang dalawang bangkay.


Agad na pinuntahan ng mga pulis ang lugar at naabutan nilang sarado ang stall pero bukas ang telebis­yon sa loob.


Nang sumilip ang mga ito ay nakita nila ang dalawang hubo’t hubad na babae at naliligo sa sariling dugo kung kaya pinuwersa na ang pagbukas sa stall.


Agad namang naglaan si Mayor Oscar Tetangco ng halagang P300,000 sa sinumang makapagtuturo sa gumawa ng krimen.

source: abante

No comments:

Post a Comment