Thursday, March 10, 2011

'Mara' kinausap ang YouTube fan sa Internet




Sa video na pumukaw ng atensyon ng napakarami, nakuha ang matinding pag-iyak ng 11-taong si Pamela del Rosario.

Ito’y dahil sa pag-aakalang namatay na ang bidang si Mara sa paborito niyang telenovela na “Mara Clara.”

Umabot na sa halos isang milyong hits ang video na kinunan ng kanyang Ate Yna.

Kung may mga natutuwa, ilan ang nag-alala at nabahala sa reaksyon ni Pam.

Sa pamamagitan ng video chat sa Internet, hinanap ng ABS-CBN News si Pam mula Chicago, America.

"'Di naman po namin fault kung ganoon talaga ako mag-cry eh. Emotional lang. 'Yung nararamdam ko lang po... 'yung ginawa ko 'nun," aniya.

Miyerkules ng gabi, kabaligtaran na ang naging emosyon ni Pam nang ibunyag na buhay nga si Mara.

Patago ulit siyang vinideohan ng kanyang Ate Yna.

Ang hindi alam ni Pam, bago ito, meron nang ginawang video para sa kanya si Katryn.

Ang video ay bilang pasasalamat sa mainit nyang suporta.

Bibo at masayahin si Pam.

Gusto daw niyang tularan ang idolo sa “Mara Clara.”

Hindi mailarawan ang saya ni Pam nang sorpresang ipakilala siya ng ABS-CBN News sa idol sa pamamagitan ng Skype.


Napa-tumbling pa si Pam na halos hindi na makahinga sa excitement.

Kinantahan pa ni Pam ang idolo.

"Nakakatawa talaga. Nakita ko talaga na sobrang fan ko daw po siya kaya nakaka-touch po siya." ani Katryn.


Sa telebisyon nabuo ang pagkakaibigan ng dalawa.

Hinihikayat naman ni Katryn si Pam na ituloy ang kanyang pangarap.

source: abs-cbnnews

No comments:

Post a Comment