Thursday, March 10, 2011

5 Pinoy bands, may concert tour (may video sa loob)



Pambihirang pagkakataon ang pagsasanib-puwersa ngayon ng Wolfgang, Parokya ni Edgar, Kamikazee, Chicosci at Sandwich para sa kanilang rock tour ngayong buwan ng Marso.



Ito’y para palakasin ang Pinoy rock music sa kabila ng sunod-sunod na pagwawatak-watak ng mga grupo tulad ng Bamboo, Sugarfree, Hale at iba pa.

Nakakatawa naman ang hirit ng bokalista ng Kamikazee kaugnay sa paghihiwalay ng Pinoy bands: "At sana po'y abangan niyo ang paghihiwalay namin. Abangan niyo rin ang reunion concert namin... 'Pag naghiwalay na kami, wala na kaming trabaho, kawawa naman iyong mga bata."

Inanunsyo naman ng banda na gagawa sila ng kanta tungkol sa hearing sa Senado sa umano’y katiwalian sa Armed Forces of the Philippines.

Special guest naman sa tour ang host ng “Umagang Kay Ganda” na si Iya Villania na ginulat ang lahat sa kanyang sexy rock attire.

Handa na rin siyang maki-jamming sa nationwide road show.

Unang sasalang sina Iya at mga rakista sa March 25 sa Puerto Princesa

source: abs cbn

No comments:

Post a Comment