Wednesday, March 30, 2011

JAN JAN, ‘DI RAW ‘INABUSO’ NI WILLIE! Sigaw ng magulang ni Jan Jan!


source: abante


Nag-guest sa Willing Willie noong Lunes ang mag-asawang Jojo at Diana Estrada para personal na pabulaanan ang bintang na biktima ng child abuse ang kanilang anak na si Jan Jan, ang 6-year old na naging contestant sa programa ni Willie Revillame noong March 12 at nagpakita ng kanyang talent, ang “macho dancing “.


Umani ng batikos si Willie mula sa mga mora­lista at sa mga kapwa artista na nag-post sa Twitter ng kanilang disgusto sa eksena ni Jan Jan na umiiyak habang sumasayaw ng seksi.


Umapela si Willie sa mga artista na kanyang tinu­tukoy na huwag nang makisali pa sa gulo. Humingi rin siya ng paumanhin sa mga tao na na-offend.


“Una sa lahat, hindi ko po alam na ganoon ang kanyang talent.

Malalaman ko na lang ‘yan dito na ho, kung ano ang talent mo, singing o dancing.


“Marami na naman ang bumabatikos sa akin, sa Youtube, sa Twitter na disrespectful sa bata, child abuse, kung anu-ano na naman ho ang sinasabi sa amin, sa prog­rama at sa TV5.


“Well, ganoon talaga, gumawa ka ng mabuti, gumawa ka ng masama, sa paningin ng ibang tao, palagi kang masama. Hindi nila nakikita ‘yung mga kabutihan.


“Ipapatawag daw kami kung saan-saan, meron daw reklamo sa DSWD, human rights, gusto pa raw akong ipatawag sa Senado. Dyusko naman, ang daming problema ng bansa.


“Ang dami nating problema katulad ng bibitayin, ‘yung mga corrupt at eto na maliit na bagay na binastos ko raw ‘yung bata, binastos daw namin dito. Wala pong ganoon at hindi namin gagawin ‘yan,” ani Willie.


***


Pinatotohanan ng mga magulang ni Jan Jan ang mga pahayag ni Willie. Hindi raw biktima ng child abuse ang kanilang anak dahil ito ang may kagustuhan na gawin ang macho dancing sa talent portion ng Spin a Will segment ng Willing Willie.


Ikinuwento ng mag-asawa na gusto ni Jan Jan na sumikat at maging artista kaya nag-macho dancing siya para mapansin ng mga tao.


“Sinuportahan ko lang naman ang anak ko, ‘yon ang gusto niya. Ang masasabi ko lang sa mga naninira, ti­gilan na nila dahil hindi naman kagustuhan ng magulang na maging… Kagustuhan ‘yon ng anak ko na maipakita ‘yung kanyang talent at sa DSWD, hindi kasalanan ng anak ko dahil ‘yon ang pagkaalam niya, maganda ang ginagawa niya,” ang pahayag ng ama ng bata.


Base sa mga sinabi ng mag-asawa, sila ang tala­gang may kagustuhan na maging artista si Jan Jan dahil ito ang nakikita nila na paraan na makaahon sila sa kahirapan. Ang ama ng bata ang nag-enjoy nang husto sa kanyang TV exposure dahil sinabayan pa niya sa pagsasayaw ang dalawang anak.


Pinasayaw rin ang nakababatang kapatid na babae ni Jan Jan at tulad ng kanyang kuya, sexy dancing din ang ginawa ng paslit. It really does run in the family.

source: abante

No comments:

Post a Comment