Wednesday, March 30, 2011

Awit para kay Sally


source: abante
Ang kantang “Heaven” ni Bryan Adams ang inaalay ng 12-anyos na si Princess Mae Joy Villanueva sa kanyang inang si Sally Ordinario-Villanueva na isa sa tatlong Filipinong bibitayin ngayong araw sa China sa kasong illegal drugs.

Hiniling din ni Princess na kung maaari ay i-record na lamang ang boses ng kanyang ina dahil gusto niyang paulit-ulit na madinig ang boses nito hanggang sa kanyang pagtanda.


Kung hindi man aniya mapagbibigyan ang kanyang kahilingan, umaapela naman si Princess sa kanyang Lolo Geronimo na patawagin ang kanyang ina bago igawad ang parusang bitay.



Samantala, adobong isaw ng baboy at apat na supot ng chicharon ang dalang pasalubong nina Geronimo at Basilisa Ordinario para sa anak na si Sally.


source: abante

No comments:

Post a Comment