MANILA- Nakiusap ang isang opisyal sa Malacanang na bigyan ng sapat na panahon si Pangulong Benigno Noynoy" Aquino III na mapag-aralan ang usapin tungkol sa lugar na paglilibingan ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, pinag-aaralan na ni Aquino ang rekomendasyong ibinigay ni Vice President Jejomar Binay tungkol sa naturang usapin.
Gayunman, hindi sinabi ni Valte kung pabor o tutol ang rekomendasyon ni Binay na payagang mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
“We should allow him [Aquino] a little time to go over the recommendations and to decide ano ang ia-approve niya at ano ang hindi," pahayag ni Valte sa panayam ng dzRB radio nitong Sabado.
Nang tanungin kung kailan posibleng magbigay ng desisyon si Aquino, tugon ni Valte: Siguro if not tomorrow (Sunday), Monday makakapagbigay tayo ng statement... on the matter."
Sa isang ulat ng pahayagang Philippine Daily Inquirer nitong Sabado, sinabing batay sa kanilang impormante, pabor umano ang rekomendasyon ni Binay na mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Una rito, si Binay ang inatasan ni Aquino na magsagawa ng pag-aaral at konsultasyon tungkol sa naturang usapin. Kabilang sa mga pinapayagang mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang dating pangulong, mga sundalo, at mga dignitaryo.
Matagal nang hinihiling ng pamilya Marcos na payagan na mahimlay sa Libingan ng mga Bayani ang mga labi ng dating diktador, na kasalukuyang nakahimlay sa isang moseleyo sa Ilocos Norte.
Aminado si Valte na hindi magiging madali para sa pangulo ang gagawing pasya sa usapin dahil sa personal na saloobin at konsiderasyon bunga ng mga pinagdaanan ng pamilya Aquino noong panahon na nakapuwesto sa Malacanang si Marcos.
Hinihinalang may kinalaman ang gobyerno ni Marcos sa asasinasyon ng ama ni Aquino na si dating Sen Benigno Ninoy" Aquino Jr. noong 1983 sa dating Manila International Airport (ngayo'y Ninoy Aquino International Airport).
Noong 1986, napatalsik sa puwesto si Marcos at pumalit na pangulo ang ina ni PNoy na si dating pangulong Cory Aquino.
Alam natin lahat na may personal feelings at considerations si Pangulong Aquino on the issue. Hindi sikreto ang pinagdaanan ng kanayang pamilya. The president does not want to let that get in the way of making the decision," ayon kay Valte.
Again, alalahanin natin na kaya tinalaga ni Pangulong Aquino si Vice President Binay na magbigay ng recommendation sa issue dahil sa personal history at involvement ni Pangulong Aquino at involvement ng kanyang pamilya at history nila involving the Marcoses," dagdag niya.
source: gmanews
Sunday, June 5, 2011
PNoy maglalabas daw ng pasya tungkol sa paglilibingan ni Marcos
source: gmanews
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment