Sunday, June 5, 2011

Palitan ng 'I do' sa Pilipinas, mas madalas gawin sa huwes

source: gmanews


MANILA – Karamihan sa mga nagpapakasal sa Pilipinas ay isinasagawa sa huwes, batay sa mga datos na nakalap ng National Statistics Office mula sa mga munisipyo at city hall sa buong bansa.

Lumitaw na 45 porsiyento ng mga kasalan sa bansa ay ginagawa ng huwes o alkalde, habang 38 porsiyento naman ang ikinakasal sa Simbahang Katoliko, ayon sa pinakahuling talaan ng NSO noong 2007.

Kung isasama sa bilang ang mga kasalan na isinasagawa ng ibang relihiyon, lilitaw na 62 porsiyento ng mga nagpalitan ng “I do" ay hindi ginawa sa harap ng paring Katoliko.

Kasal sa banyaga

Sa hiwalay na mga datos, umabot sa 8,300 ang foreign marriages o pagpapakasal ng mga Pilipino sa mga banyaga. Ito ay 1.69 percent lamang ng kabuuang 490,054 kasalang naganap sa nabanggit na taon.

Lumitaw din na diborsiyado ang 2,583 na grooms ikinasal muli sa dayuhang partner, habang 594 naman ang mga diborsiyada na naghangad ng 'second chance' sa pag-ibig.

Marami sa foreign marriages ay pagpapakasal ng Pinay sa Hapon (2,916), habang ikinasal naman ang 2,763 Pinay sa kanilang kababayang Pinoy na nasa abroad. Pangatlo sa listahan ang pagpapakasal ng mga Pinay sa mga Amerikano (1,015).

Mas marami rin ang mga Pinay na dalaga nang magpakasal (7,444), kumpara sa mga Pinoy na binata nang magpakasal (5,468)

Summer brides

Karaniwang nagaganap ang kasalan sa Pilipinas tuwing summer vacation at Kapaskuhan. Pinakamarami ang ikinasal sa buwan ng Mayo at Abril noong 2007. Sinusundan naman ito ng buwan ng Disyembre at Enero na panahon ng mga family reunion at Christmas party.

*Mayo – 53,987
*Abril – 53,617
*Disyembre – 51,249
*Enero – 50,433
*Marso – 45,806
*Pebrero – 45,805
*Hunyo – 44,148.

source: gmanews

No comments:

Post a Comment